Tuesday, March 24, 2009

madami akong kakilala na kahit naksama ko na 23 years na existence ko sa mundo ay di ko talaga kilala..mas madalas sa hindi ay misteryo ang kani kanilang pagkatao.. dun ko naisip hindi taon ang batayan o pamantayn para makilala mo ang isang tao..

ako? mas marami akong nakikilala batay sa gawa nila..sa mga naisulat na..sa mga karanasan nila..at kung tulad ko magtytyaga ka ding magbasa ng kani knilang mga kuwento e maiintindihan mo kung bakit niya ginagwa ang kanyang gingaw..

minsan mas kakilala ko pa ang estranghero binabasa ko ang kanyang akda.kesa sa taong sa araw araw ay kasama ko.. sa pagsusulat kasi lumalabas ang tunay na ikaw.. sa pagbabasa nalalaman mo ang tunay n siya..

kasi di madaling kilalanin ang taong ayaw magpakilala.kahit libong taon mo na siya kasama kung talagang di mo siya nagets e wala ka talagang mahihita.sbi nga ni bob ong ang gawa ng sinumang nagsusulat ay ang mismong pagkatao niya.. wala kang pwedeng itago..wala ka pwede ilihim sa magbabasa dahil sa ayaw mo man at s gusto..makikilala nila kung sinu ka talaga

hindi basta talent lang ang pagsusulat..eto ay isang pagkatao,,isang kapangyarihang kaya mong ipakilala ang sarili mo ng di mo na kelangang isigaw ang pangalan mo..

palagay ko mas masarap makakilala ng estranghero..dahil di ka nila huhusgahan base sa pinag aralan mo..sa itsura mo o sa yaman mo..

dahil ang tanging iintindihin nila ay ang mga bagay na magbubukas ng pang unawa nila bilang tao..

No comments: