Wednesday, March 25, 2009

THE FRAY: you found me

natatawa ako dahil ang taong pinagaalayan ko ng blog na to ay ni hindi alam na may blog ako..nakakatawang isipin na sa lahat na naisulat..isinulat at isusulat ko pa ay mananatiling isang liham na kailanman ay di makakarating sa kanya..kumbaga lahat ng to ay "return to sender" hekehek

sa lagay na to ako pa lang ang nakakabasa ng mga gawa ko wish ko nga sana may maligaw din at basahin ang mga gawa ko..hindi ito gawa ng eksperto..hindi din to gawa ng isang taong major sa filipino or english..madaming grammatical errors at madami kang mapupuna pero sinu ba stin ang walang mali?ang mahalaga nasusu;at ko ang mga bagay na gusto kong sabihin..

mas malamang sa hindi tatawa ka..panu isa akong taong puno na kagalakan..bakit?dahil may isang raymund na nagpapagaan sa mga pasakit ng buhay ko.. iiyak ako pero patatawanin niya ako.. problemado ako pero yayakapin niya ako..at kung pakiramdam ko ay nagiisa na lang ako hahawakan niya ang kamay ko para iparamdam na lagi siya andiyan..

lagi ba kami magksama?? hindi rin.. paminsan minsan nga lang kami magkasama e..madalang..minsan ilang oras lang..dahil parehong abala sa trabaho..

pero di un naging hadlang para di namin mahalin ang isat isa..sa kanya ko natutunan di naman sa dalas ng pagkikita nasusukat kung tunay nga ang pagmamahal..minsan kahit gaanu kayo kadalas magkita o magkasama kung wala p-agmamahal wala ring mangyayari..

naranasan ko ng mgmahal ng ilang beses,,masaktan,,umasa,,madapa at bumangon ulit..

pero si raymund? tinuruan niya akong mahalin ang sarili ko ng higit pa sa pagmamahal na gusto niyang ibigay ko sa kanya..di siya naging madamot..hinyaan niya ako madevelop ang sarili ko bilang tao..

di niya ako hinayaang nasasaktan na lang at nakadapa,,tinuruan nya akong bumangon at kung panu wag n madapa ulit..

oo alam ko di perpekto ang pag ibig..araw araw kami magaaway,,magkakasikatan,,magbabati pero alam ko na di na ako kasing rupok ng dati dahil binigyan niya ako ng lakas..

at kahit di niya to nababasa okay lang..di ito para sa kanya..para to sa lahat ng babaeng ngmamahal..

may bago na akong motto sa buhay:"ngmamahal ka para maging masaya at mamahalin ka para sumaya ka"

sana lahat madevelop yan


2 comments:

Rain Darwin said...

Dont worry may nagbabasa ng blog mo marami kami.

3 ang followers mo ha? and i noticed u follow urself hehehe.

eeeyakhee said...

for ulan: yeah,,i noticed that to hehe..imagine me following myself..so weird huh? hekhek..tnx for ur time..hope to be your friend =)