Monday, March 23, 2009

si ako ay si KRYSTLE



di ako adik sa pc,,sa internet o sa websites.. nagkataon lang na masugid akong tagasubaybay ni bob ong..kung panu nangyari un e ikukuwento ko sa inyo..

nung panahong wala pa maxadong magawa sa school e may nagbigay sa akin ng isang libro na kakulay ng kulangot na matigas (green) ..manipis lang ito ni hindi ko nagets ung taytol nung una..
kelangan mo palang bumalik sa grade one para mabasa ito..ABNKKBSNPLAk0..yan po ang mahiwagang pamagat ng librong ito

at dahil nga po ay inyong abang lingkod ay mahilig magbasa..e nag absent ako sa math on investment para mapagtuunan ng oras ang nasabing libro..istorbo kasi ang klase pag may gusto kang gawin e..hehe

ngpunta ako sa isang lugar na hinding hindi ako makikita ng prof kong mas matanda pa ata sa eskuwelahan,,pag nakita ako ay lagot akong tiyak at baka pagsulatin ako ng "i promise to attend math of investment evryday" ng 100 tayms e ngtago ako.. sa sulok na bahagi ng bldg..

sa kasamaang palad e nakita ako ng barkada kong mas autistic pa sakin.."anu yan ha?anu yan" ang tanong ng makulit na bata.."libro di mo ba nakikita??" and aking sagot.."pahiram!" brattttt!!!
at napunit ang mahiwagang libro...

"anu ka ba naman?!"ang aking panghoy..sa kasamaang palad e nginitian lang ako ng pobreng nilalang na malapit ko ng ihulog sa bldg at lumayong parang walang nangyari..nagkaron ng selective amnesia..na magpahanggang ngayon sa twing magkikita kami ay tila limot na niya ang karumal dumal na krimeng ginawa niya..

so ayun,,para malayo sa kamay ng masasang damo este mga kaklase,kabarkada,instructor at dean ang nasabing libro ay itinago ko na muna..at pansamantalang kinalimutan ang libro..

sa wakas after 2days e nakauwi na din ako..2days kasi halos di na ako umuwi sa paggwa ng thesis..nagkikita na lang kami ng parents ko sa mol..sabay bigay na din ng baon ko.at sila ay magdidinner date na dalawa habang ako ay parang kawawang kuting na iwinala ng batang wlang magawa sa buhay..

pagdating sa bahay e tinanung pa ako ng"san ka galing na bata ka?!" huh? duh!ang tangi kong nasagot!ako ay bangag pa nung mga panahong un!

pagdating sa kuarto ay natulog ako ng bonggang bongga..na sa sobrang pagkatulog ay nakagat pa ng ipis ang aking mata..awts!peste! at nilabas ko n ang mahiwagang libro,,ang librong kakulay
ng kulangot mo..hehe

binasa ko ung teaser sa likod(tama ba?teaser ba ang tawag dun?) at saka ko sinimulan ang nakakatawa,,nakakalungkot,,nakakaengganyong buhay ng may akda..

at naisip ko,,lahat tayo ay pare parehong pinagdaanan ang mga bagay na pinagdaanan niya..yun nga lang iba iba tayo ng reaksyon sa mga bagay n yun..

may iba napapariwara,,may iba lumalaban at may iba e uupo na lang sa isang sulok at magpapatulo laway para exempted sa explanation bat niya ginwa ang bagay na un..

sa bandang huli tayo rin ang sasagot sa mga sarili nating tanung..sa bandang huli buhay din natin ang maapektuhan sa mga desisyong gingwa natin,,mahilig lang nating isisi sa iba ang mga kamalian natin.

ngayon,,3 na sa kanyang mga libro ang meron ako.. ginayuma ba niya ako?marahil oo..ginayuma niya akong gumwa ng website para marinig din ng iba ang boses ko..sabi nga niya tutubuan ka ng konsensya n dati ay wala ka..

tama siya,,tinubuan ako ng konsensiya,,pati hair(ang haba n ng hair ko!)


.

No comments: